107 inmates pinatakas ng Maute Group

MARAWI CITY (Eagle News) — Mahigit 100 mga preso ang pinatakas ng Maute Group nang salakayin nila ang isang piitan sa Marawi City.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman, kabuuang 107 ang bilang ng mga presong pinatakas ng Maute matapos nilang lusubin ang Malabang District Jail at Marawi City Jail kamakailan.

Kabilang sa kanilang mga pinalaya ay mga miyembro ng kanilang grupo na nakakulong.

Ayon pa kay Hataman, kinuha rin ng mga ito ang mga sasakyan na nakaparada sa loob ng pasilidad para makatakas.

https://youtu.be/KobvTU20p9s