Price adjustment sa presyo ng langis

Nag-anunsiyo na ng price adjustment ang ilang kumpanya ng langis.
Simula bukas ng alas-sais ng umaga ay itataas ng Pilipinas Shell ng 65 sentimos kada litro ang presyo ng kanilang gasolina, 40 sentimos sa diesel at 35 sentimos naman sa kerosene.
Animnaput limang sentimos naman ang taas presyo ng eastern petroleum sa kada litro ng kanilang gasolina at 40 sentimos naman sa presyo ng kanilang diesel.
Simula naman mamayang hatinggabi, itataas ng Flying V ng 75 sentimos ang presyo ng kanilang gasolina at 40 sentimos naman sa kada litro ng diesel.

https://youtu.be/QxEdJPeIqSI