Presyo ng canned sardines, tataas simula sa Disyembre

(Eagle News) — Simula sa Disyembre ay tataas ang presyo ng de latang sardinas.

Ayon sa Canned Sardines Association of the Philippines, tataas ng limampung sentimo hanggang animnapung sentimo ang presyo ng kada delata ng sardinas simula sa Disyembre 1, 2018.

Ang nasabing price adjustment ay dahil anila sa pagtaas sa presto ng mga raw material gaya ng isda at produktong petrolyo nitong mga nakalipas na buwan.

Sabi pa ng CSAP, noong Setyembre 1 pa sana ipatutupad ang pagtataas sa presyo pero hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) sa grupo na ipagpaliban muna ito ng tatlong buwan para matulungan ang mga consumer na makaagapay sa epekto ng inflation.

https://youtu.be/x2A_ldQeTKo