Power interruption, nararanasan sa bayan ng Lingayen, Bugallon at ilang bahagi ng San Carlos City

Ni Nora Dominguez
Eagle News Service

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Makararanas ng siyam na oras na power interruption ang ilang bahagi ng Lingayen, Bugallon at San Carlos City sa lalawigan ng Pangasinan.

Magsisimula ito ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon ngayong araw, Hunyo 26.

Ang mga apektado ng power interruption ay ang mga barangay ng Tonton, Libsong East, Libsong West, Wawa, Tombor, Namolan, Dulag, Aliwekwek, Naguelguel, Matalava, Basing at Rosario sa bayan ng Lingayen; Angarian, Pangascasan at Cabaoawasan sa bayan ng Bugallon at Brgy. Antipangol at Parayao sa San Carlos City.

Ayon sa CENPELCO, bibigyang-daan ang pagsasaayos ng mga transformer at wooden poles ng linya ng kuryente sa mga nabanggit na lugar.