POEA: Libu- libong manggagawang Pilipino, kailangan sa Europa at Asya

(Eagle News) — Libu-libong manggagawang Pilipino ang kinakailangan sa ilang bansa sa Asya at Europa.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sa bansang Saudi ay nasa isang libong women specialist nurses ang kanilang kailangan; 150 emergency medical technicians naman sa Abu Dhabi ; 400 nurses naman sa Germany at isang libong skilled at non-skilled workers sa bansang Poland.

Paalala ng POEA sa mga interesadong aplikante na sa POEA-licensed at accredited recruitment agencies lamang ang mga ito makipag-transaksyon.

Ayon sa Philippine Association of Service Exporters, Inc. (PASEI) maganda ang pasahod at working conditions sa mga nasabing bansa.

Para sa iba pang impormasyon bisitahin lamang ang  POEA website.

https://youtu.be/B5Cu5Ao8FAU