PNP, nakatakdang magdeploy ng 30,000 na tauhan sa mga terminal sa darating na long holiday

(Eagle News) — Nakahanda na ang buong kapulisan para sa darating na long holiday.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, nakatakdang mag-deploy ng mahigit tatlumpung libong mga pulis sa airport terminals, seaports, bus terminals at train stations para mag-assist at magmonitor sa mga dadagsang biyahero.

Titiyakin ng PNP na magiging payapa ang long holiday ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya bukod sa seguridad ay handa na rin ang medical emergency team.

MIAA, nag-inspeksyon sa NAIA terminals

Samantala, nag-inspeksyon na rin kanina sa NAIA terminal si Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal kasama si Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla.

LTFRB, nagsimula nang mag-inspeksyon sa mga bus terminal

Maging ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nagsagawa na rin ng bus inspection sa mga terminal sa Metro Manila upang tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang mga bus bago bumiyahe.