Planong pag-iisyu ng panibagong plaka para sa mga TNVS, pinalagan

MANILA, Philippines (Eagle News) – Pumalag ang mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) company sa planong pag-iisyu ng Land Transportation Office (LTO) ng panibagong plaka para sa mga Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Ang hakbang na ito ng LTO ay upang mas mabilis na matukoy ang pribadong sasakyan at TNVS na pumapasada. Ngunit ayon sa TNC at mga partner nilang TNVS, dagdag gastos lang at abala kung pakukunin pa sila ng bagong plaka.

Dahil dito, inihirit ng naturang grupo na sticker na lang ang iisyu ng LTO sa halip na bagong plaka para sa kanilang pagkakakilanlan. Ipinangako naman ni LTO Chief Edgar Galvante na kanilang pag-aaralan ang nasabing hirit ng TNC. (Eagle News Service)

 

https://www.youtube.com/watch?v=gOULUs9ZgNk&feature=youtu.be