Pitong puwesto sa palengke sa Taguig, nasunog

(Eagle News) — Halos maabo ang tindahan ng karne at gulay matapos tupukin ng apoy sa Luzon Street, Central Village, Taguig City, mag aalas-dose ng hatinggabi, itong Miyerkules.

Ayon kay Taguig Bureau of Fire Protection arson investigator Hannah Velasco, faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog na tumupok sa ilang bahagi ng pamilihan.

Mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa ikalawang alarma.

Tinatayang humigit kumulang 100,000 piso ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy.

Wala namang naitalang patay at nasugatan sa sunog na idineklarang fire out 12:56 ng madaling araw.

(Eagle News Service Paulo Macahilas)

https://youtu.be/W43Ly8sFO7U