Pinas FM DJ, rapper na si “Aikee” pasok sa Top 10 ng Himig Handog P-Pop Love Song 2017


(Eagle News) — Nakapasok sa isang yearly songwriting competition na “Himig Handog P-Pop Love Song” ang ating Pinas FM 95.5 DJ na si “Aikee.”

Ang kanyang kanta ay may titulong “Extensyon.”

Inanunsyo ng Star Music ang sampung (10) mga song writer na napili mula sa mahigit na anim na libong (6,000) nagsumite at nagpasa ng kani-kaniyang entries dito.

Sa ngayon ay wala pang anunsyo kung sinu-sino ang maging interpreters ng sampung kalahok.