Pinaka-mahabang gabi mararanasan sa Disyembre 22

(Eagle News) — Makakaranas ng winter solstice ang Pilipinas sa Disyembre 22, 2018.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magiging mas mahaba ang oras ng gabi sa nasabing araw dahil sa winter solstice.

Ito ay isang astronomical event kung saan ang araw ay nasa pinakamalayong posisyon sa timog na bahagi ng equator.

Sa ibang bansa, hudyat ito nang pagsisimula ng winter season sa northern hemisphere at summer naman sa southern hemisphere.

Dahil bahagi ang Pilipinas ng equatorial region, hindi tayo makararanas ng winter season at sa halip ay makararamdam lang ng mas malamig na temperatura.

Ang sunrise sa Disyembre 22 ay papatak sa 6:16 ng umaga habanag ang sunset naman ay bandang 5:32 ng gabi.

Dahil dito, magiging 12 hours and 44 minutes ang gabi sa buong bansa.