Pilipinas, humakot ng gintong medalya sa Asian Confederation Junior Boxing Championship

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nasungkit ng dalawang Pilipino ang gintong medalya sa katatapos lamang na ASBC Asian Confederation Junior Boxing Championship 2017 na ginanap sa Puerto Princesa City Coliseum.

Ang buong palaro ay isinagawa simula noong Agosto 2 at nagtapos noong Agosto 7.

Kinilala ang mga nagwagi na sina Kenneth Dela Pena, 16 taong gulang, tubong General Santos City; at John Vincent Pangga, 15 taong gulang, na nagmula naman sa Cagayan de Oro City.

Samantala ang Asian Junior Boxing Championship 2017 ay nilahukan ng 18 bansa. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Bhutan
  • China
  • Chines, Taipei
  • India
  • Iran
  • Iraq
  • Japan
  • Jordan
  • Kazakhastan
  • Nepal
  • Saudi Arabia
  • South Korea
  • Thailand
  • Uzbekistan
  • Philippines
  • Mongolia
  • Krygyzstan
  • UAE

Suportado naman ito ng pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni Mayor Lucilo R. Bayron at pamahalaang panlalawigan sa pamumuno naman ni Governor Jose Chavez Alvarez, kasama ang iba pang taga-agapay ng nasabing palakasan.

Rox Montallana – Eagle News Correspondent, Palawan