Php3M halaga ng shabu, nasabat sa isang hotel room sa Cebu

(Eagle News) — Tatlong milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga pulis sa isang hotel room sa Cebu City kamakailan.

Naaresto din ang siyam na suspek na pinaniniwalaang sangkot sa transaksiyon  ng iligal na droga.

Nabatid  na tumawag ang management ng hotel sa pulisya matapos  na wasakin ng mga suspek  ang built-in detector sa kuwarto na kanilang  ipina-reserve.

Ayon sa mga pulis, hindi lang ginamit ng mga naarestong suspek ang hotel room sa kanilang illegal drugs transactions, kundi maging sa kanilang shabu sessions.

Gumamit din ang mga miyembro ng grupo ng credit cards at internet para sa kanilang drug trade.