Php 9.00 jeepney fare rollback, dapat sundin – LTFRB

(Eagle News) — Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver na naniningil pa rin ng sampung pisong minimum fare sa jeep sa harap ito ng patuloy na paniningil ng nasabing pamasahe ng ibang jeepney drivers sa kanilang mga pasahero.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang sinomang tsuper ng jeep na mapatunayang naniningil pa rin ng sampung pisong (Php 10.00) minimum fare ay pagmumultahin ng limang libong piso (Php 1,000) sa unang paglabag, 10 libong piso (Php 10,000) sa ikalawang paglabag, 15 libong piso (Php 15,000) sa ikatlong paglabag at maaaring suspindihin o kanselahin ang lisensya kung patuloy na lalabag.

Mga pasaway na driver, pwedeng ireport

Maaaring i-report ng mga pasahero sa LTFRB hotline na 1342 o kaya ay sa kanilang facebook account ang mga jeepney driver na naniningil ng 10 pisong (Php 10,000) minimum fare.

Una rito, noon pang ikatlong linggo ng Nobyembre ng taong 2018 naibalik sa nuebe pesos (Php 9.00) ang minimum fare sa mga jeep bunsod na rin ng sunud-sunod na pagbaba sa presyo ng krudo sa world market.

Fare matrix, ‘di dapat gamiting dahilan ng mga driver

Muli namang iginiit ni delgra na tapos na ang fare matrix kaya hindi ito maaaring gamiting dahilan ng mga jeepney driver sa kanilang paniningil ng 10 pisong (Php 10.00) minimum fare.

(Eagle News Service Eden Santos)

https://youtu.be/bVlrdsFYOr0