Payatas landfill, ganap nang ipasasara sa katapusan ng 2017

Bago matapos ang kasalukuyang taon, ipinasya ng pamahalaang lungsod ng Quezon na tuluyan nang ipasara ang Payatas sanitary landfill, ito ay dahil malapit ng umabot ang nasabing landfill sa kanyang limitasyon.

Pero tiyak na malaking problema ito sa usapin sa basura lalo na ang mga residente at mga establisyemento sa Quezon City.

Bukod dito, marami sa ating kababayan na dito umaasa para sa kanilang kabuhayan.

https://youtu.be/dEYIhYbbAkw