Pansamantalang paglabas, hiniling ni Senador Jinggoy para makadalo sa kaarawan ng ina

Screen shot 2016-05-27 at 8.11.21 PM
File Photo: Sen. Jinggoy Estrada

(Eagle News) — Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan si Senador Jinggoy Estrada na humihiling na pansamantala siyang makalabas ng kulungan para dumalo sa ika-86 na kaarawan ng kanyang ina at dating First Lady Loi Ejercito Estrada.

Sa kaniyang mosyon, hiniling ni Estrada na payagan siyang makalabas ng kanyang detention cell sa loob ng apat na oras sa Hunyo 4 mula 8:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi.

Matatandaang naghain din ng parehong request noong nakaraang taon si Estrada ngunit ibinasura ito ng Sandiganbayan sa dahilang hindi umano ito emergency at hindi anila para sa makataong konsiderasyon.