Pangulong Duterte, pangungunahan ang 120th founding anniversary ng PHL Navy

PASAY CITY, Philippines (Eagle News) — Si Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging guest-of-honor at speaker sa ika-isangdaan at dalawampung founding anniversary ng Philippine Navy ngayong araw, Mayo 22.

Ayon Kay Navy Spokesperson Capt. Lued Lincuna, isasagawa ang event sa Coconut Palace, Cultural Center of the Philippine (CPP) Complex sa Pasay City, mamayang alas dos ng hapon (2:00 PM).

Ang tema para sa anibersaryo ngayong taon ay “Protecting The Seas, Securing Our Future.”