Pangulong Duterte, nagbabala sa mga nang-aagaw ng lupain sa Sagay City, Negros Occidental

(Eagle News) — Nagbabala ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magsasakang iligal na umokupa ng lupa sa taniman ng tubo o sugarcane sa Sagay City, Negros Occidental.

Ito ay matapos na mapatay ang siyam na magsasaka sa isang massacre na umano’y kagagawan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na kinubkob ng mga ito ang lupaing pag-aari ng mga orihinal na tenant nito.

Kapag nakapag-ani na, pumapasok sila at iligal na kinokontrol ang lupain gamit ang dahas.

“Inaagaw nila ‘yung… may mga tenants na original, pagkatapos ng harvest they go in and seize control using violence and intimidation, backed up by NPA,” pahayag ng Pangulo.

Maraming beses nang nangyayari ito at kung mauulit pa ay palalayasin na sila mula rito.

“This has happened several times, please do not do it again. Kasi (Because) the next time if I hear a single incident, I will have you evicted. I’m addressing now the nation, and the communists, and the left. Pipilitin ko kayo (I will force you). Please do not resist violently. I’m ready to do anything to establish order.”