Pangulong Duterte kuntento sa pagkakapili ng 3rd telco player sa bansa

(Eagle News) — Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakapili sa Mislatel Consortium bilang third major telecommunications player sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, muling iginiit ng Pangulo na ang tanging mahalaga sa kanya ay ang makapag-bigay ng mas magandang serbisyo ang napiling ikatlong telco at nasunod nito ang panuntunan sa proseso ng bidding.

“The President does not interfere. He gives the departments and the offices the authority to do as it pleases in accordance with law. If you follow the law, then it’s all right with the President,” pahayag ng opisyal.

“We follow the rules. There is a law that requires certain conditions imposed on the bidders,” dagdag nito.

Muli namang iginiit ng opisyal na hindi nakialam o namagitan si Pangulong Duterte sa pagpili sa Mislatel bilang ikatlong telecommunication player ng bansa.

Mahigpit din nitong iniatas sa mga kinauukulang ahensiya at tanggapan na tiyaking naaayon sa batas ang proseso ng bidding.

Magugunitang, idineklara na ng National Telecommunications Commissions (NTC) bilang ikatlong telco ang Mislatel Consortium na binubuo ng China Telecommunications Corporation, Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holding Corporation at Mindanao Islamic Telephone Company.