Pangulong Duterte, hinamon ang ICC na imbestigahan din ang inilalabas niyang Narco-list

MANILA, Philippines (Eagle News) — Muling binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya ng pamahalaan kontra korapsyon at droga sa bansa.

Dahil sa pinaigting na kampanya hirap umano ang pangulo para isa- isahin ang mga ito. Hinamon din nito ang International Criminal Court (ICC) para ito ay imbestigahan.