Pangasinan, nagdeklara na ng class suspension ngayong araw

 

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Idineklara ng Pangasinan ang  suspension of classes ngayong araw, Huwebes, Hulyo 19, dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Idineklara ni Governor Amado Espino III ang suspension of classes sa lahat ng level sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa probinsya.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office umapaw na ang mga major river tributaries ng Agno River at allied river na nagdulot ng pagbaha sa mga nasa tabing ilog at mabababang lugar sa lalawigan. Nora Dominguez