Pamahalaan, maghahanda ng mga sasakyan sa 2-day transport strike

(Eagle News) — Nakahanda na ang  pamahalaan para sa dalawang araw na malawakang transport strike sa darating na October 16 at 17.

Inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board member Aileen Lizada na mababawasan umano ang bilang ng mga bus na bibiyahe sa Metro Manila sa nasabing mga araw.

Ayon pa kay Lizada, maaga pa lamang ay magtatalaga na ng libreng sakay ang gobyerno para sa mga commuter.

Nakipag-usap na umano ang kanilang tanggapan sa grupong Stop and Go Coalition ukol sa panukala nilang gradual modernization, na bukas din sa kanilang ahensiya.