Pagtaas ng trust at approval rating ni Pangulong Duerte, ikinasiya ng Malacañang 

(Eagle News)– Nagpaabot ng pasasalamat ang Malakanyang sa publiko kaugnay ng pagtaas pa ng trust at approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagama’t hindi namumuno sa pamamagitan ng popularity si Pangulong Duterte, nakakatuwang makita na patuloy na tinataglay ng presidente ang mataas na tiwala ng publiko.

Ayon kay Roque magdodoble kayod si Pangulong Duterte upang matupad ang mga ipinangako noong kampanya na labanan ang kriminalidad, illegal na droga at korapsyon para mapaangat ang pamumuhay ng sambayanang.

Batay sa June Pulse Asia Survey, nakapagtala si Pangulong Duterte ng 87 percent trust rating at 88 percent approval rating kumpara sa 78 percent trust rating at 80 percent approval rating nito noong March.