Pagsasampa ng kaso sa Iranian nat’l na nanakit ng pulis, pinag-aaralan pa ng PNP

(Eagle News) — Pinag-aaralan pa ng Philippine National Police kung sasampahan ng kasong kriminal ang babaeng Iranian na nanakit ng pulis sa Puerto Galera.

Patuloy pa kasing ino-obserbahan ang lagay ng iranian na nagpakita ng hindi normal na behavior.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Supt. Nernard Banac, sakaling mapatunayan na wala ito sa normal na pag-iisip ay nakahanda naman ang pulis na magpatawad at hindi na ituloy ang kaso.

Ang iranian national ay sumasailalim ngayon sa medical at psychological examination para matukoy ang kondisyon ng kanyang pag iisip. (with a report from Mar Gabriel)

https://youtu.be/ihTtWcONuSY