(Eagle News) – Maglulunsad na ang Department of Health (DOH) ng imbestigasyon, kaugnay sa pagsabog ng vape o e-cigarette na ikinasugat ng isang binatilyo. Ang biktima sa kasalukuyan ay naka-confine sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, pupulungin niya ang mga opisyal ng Food and Drug Administration (FDA). Dapat aniyang malaman ang tunay na dahilan ng pagsabog at kung paano ni-re-regulate ang paggamit ng vape.
Samantala, ipinanawagan na ng Philippine e-Cigarette Industry Association sa gobyerno, ang pag-regulate sa paggamit ng vape upang ma-protektahan ang mga gumagamit nito.
https://www.youtube.com/watch?v=7HDHDweIjn8