Pagpapabalik ng NFA sa pangangasiwa ng Department of Agriculture, isang welcome development- Estoperez

(Eagle News) — Pabor si National Food Authority (NFA) Spokesperson Rex Estoperez na ibalik sa Department of Agriculture ang pangangasiwa sa ahensiya.

Kasunod ito ng naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang NFA, Philippine Coconut Authority (PCA) at Fertilizers and Pesticides Authority (FPA) sa pangangasiwa ng DA.

Ayon sa opisyal, ang mahalaga sa kaniya ay kung saan maging episyente ang ahensya at karapatan din aniya ito ni Pangulong Duterte.

Samantala,ayon sa opisyal sa kasalukuyan ay nasa 2.3 milyong sako ng bigas ang buffer stock ng NFA at aabot pa ng mahigit 6 milyong sako ng bigas kung dumating pa ang mga inangkat na bigas.

Pinaghahandaan aniya nila ngayon ay ang anim pang bagyong darating sa bansa bago matapos ang 2018.

“Sabi kasi ng PAGASA, mayroon pang apat hanggang walong bagyo na darating. Kaya iyon paghahandaan natin. Paano natin gagawin iyon, eh iyon po ang pag-uusapan natin dahil nag-allow naman na ang council na maglabas ng 250 metric tons of rice na import natin. Pero malay natin dyan sa preparation natin sa buffer stocking natin eh madagdagan. Iyon po ang hinahangad natin sana para hindi tayo kukulangin, dahil sa sabi nga ni President Duterte, di baling sobra-sobra huwag lang kulang,” pahayag ni Estoperez.

Related Post

This website uses cookies.