Paglilinis sa El Nido, Palawan bago matapos ang 2018, target ng DENR

(Eagle News) — Target ng Department of Environment and Natural Resources na tuluyan nang alisin ang anumang uri ng business establishments sa mga sikat na tourist spot gaya sa El Nido, Palawan.

Ayon kay DENR MIMAROPA Regional Executive Director Henry Adornado, ipapatupad ito sa mga easement zones at forestland sa lugar alinsunod na rin sa ibinigay na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Partikular na aayusin ng opisyal ang Bacuit Bay bago matapos ang taon.

Bunsod nito, bumuo na ang DENR-MIMAROPA ng isang task force group na tutukan ang pagsasaayos sa isla ng El Nido.

Samantala, magsasagawa na rin umano ng katulad na pagsusuri ang Department of Tourism (DOT) sa isla ng Coron sa Palawan, Siargao, Panglao, Bohol at iba pang kilalang tourist destinations sa bansa kung ang mga ito ba ay nakasusunod sa environmental laws.

“We have to be very strict in El Nido and Coron. We will dedicate a big portion of the DENR presence there to focus on environmental compliance,” pahayag naman ni Environment Secretary Cimatu.

https://youtu.be/J0c1UHbyKsw