Paglalagay ng charging stations sa mga paliparan, ipinag-utos ng DOTr

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa lahat ng pamunuan ng mga paliparan sa bansa na maglagay ng sapat na charging station sa kanilang passenger terminal buildings partikular sa departure area.

Ayon kay Tugade, ito ay upang masigurong may magagamit ang mga biyahero habang naghihintay sa kanilang scheduled flights.

Simpleng serbisyo lamang aniya ito pero malaking bagay para sa mga pasahero.

https://youtu.be/uXzItUtXOY4