Pagkakaroon ng Green ‘Smart City’ sa labas ng Metro Manila, target ng PHL

MANILA, Philippines (Eagle News) — Plano ng Pilipinas na magkaroon ng Green ‘Smart City’ bilang panlunas sa nararanasang matinding trapiko sa Metro Manila at polusyon sa hangin.

Tatawagin itong “New Clark City” na planong gawin sa Central Luzon.

Sa nasabing Green “Smart City” ay magkakaroon ng drones, self-driving vehicles at environmentally friendly design at teknolohiya.

Inaasahang nasa P2 milyong tao ang maninirahan sa nasabing lungsod at kayang makapag-ambag sa ekonomiya ng 30 billion dollars taon-taon.

Ayon kay Heang Fine Wong, CEO ng Singapore-Based Urban Planning Company Surbana Jurong, ang New Clark City ang magiging “Twin City” ng Maynila at mapag-uugnay ito sa kabisera sa pamamagitan ng rail line at bagong airport.

Nakatuon din sa nasabing proyekto ang pagtiyak na ang bagong lungsod ay magiging matatag at resilient sa mga kalamidad na malayong malayo sa nararanasan ng maynila na madaling makaranas ng pagbaha at mapinsala ng bagyo.

Ang unang phase ng proyekto ay nakatakdang ilunsad sa taong 2022.