Paghahanda sa Palarong Pambansa 2018 sa Ilocos Sur, sinisimulan na

MANILA, Philippines (Eagle News) — Inihahanda na ang Palarong Pambansa 2018, matapos lagdaan ng Department of Education (DepEd) at lalawigan ng Ilocos Sur ang hosting agreement.

Gagawin ang Palarong Pambansa sa Vigan Convention Center mula Abril 16 hanggang Abril 20 batay sa calendar of activities ng ahensya.

Noong Setyembre, opisyal nang inanunsyo ni Secretary Leonor Briones na ang Ilocos Sur ang napiling host ng palaro at naungusan ang Marikina , Baguio City, Iligan City sa Isabela, Benguet at Bulacan.