Paghahanda sa ikatlong SONA ng Pangulo, sinimulan na ng MMDA

(Eagle News) — Inumpisahan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paghahanda para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Sinabi ni MMDA Special Operations Group Head Bong Nebrija, maaga nilang sinimulan ang paglilinis sa ilang daanan, kasama rito ang pagpapaluwag ng daan sa IBP road at ilan pang bahagi na maapektuhan ng mabigat na daloy trapiko dahil sa konstruksyon ng MRT-7.

Ang nasabing hakbang ay isinagawa upang mas matutukan pa ang iba pang paghahanda sa SONA ng Pangulo sa Hulyo.