Pagdami ng enrollees ng ALS, ikinatuwa ng DepEd

(Eagle News) — Dumarami na ang mga nais makapag-aral sa pamamagitan ng Alternative Learning (ALS).

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, umabot na sa 89,000 enrollees ang nagpalista upang makapag-aral sa als program ng ahensya.

Ang pagtaas sa bilang ng ALS enrollees ay maaaring kasunod ng mga inilatag na ALS special registration booths sa Brigada Eskwela sa buong bansa.