Pagdagsa ng libu-libong tao sa Divisoria, dahilan kung bakit na-doble ang mga basurang nahakot sa Maynila

(Eagle News) — Dumoble o nag-triple pa ang mga namili at dumayo sa Divisoria noong nakalipas na holiday season kumpara noong mga nakalipas na taon.

Ito ang dahilan kung bakit umabot sa 42 toneladang basura ang nahakot ng Manila City Government.

Ayon kay Engineer Che Borromeo, pinuno ng Manila City Task Force Clean-Up, pinakamaraming nahakot ay sa Divisoria, meron din sa Quiapo at Blumentritt market.

“Ang Divisoria po sentro ng kalakalan yan. Nandyan po lahat ng tinda mula sa damit, gulay prutas at iba pa. Noong mga nakaraang taon, naalala ko po na naka 32 (tonelada) lang po tayo,eh ngayon ho eh, mahigit pa po ngayon, mas madami po. Siguro dahil natuto na yung taga-ibang siyudad, o ibang lungsod at probinsya dahil dito na sila namimili dahil dito mas mura,” pahayag ni Borromeo.