Pagbuhay sa ROTC, tinutulan ng Kabataan Partylist

(Eagle News) — Hindi pa man ganap na ipinag-uutos ni Pangulong Rordigo Duterte ang tuluyang pagbuhay sa Reserved Officers Training Corps o ROTC sa kolehiyo at Senior High School.

Mariing na itong tinututulan ng grupong Kabataan Partylist.

Natatakot aniya sila na kung pagtitibayin ng Kongreso ang hiling ng Pangulo sa pagbuhay ng ROTC sa mga paaralan. Ito naman ang maging daan upang hadlangan ang ginagawang malayang paghahayag ng mga kabataan.

Kahit pa aniya maglalatag ng safeguards o di kaya naman panuntunan upang matiyak na hindi mapapahamak ang mga estudyante sa pagbuhay muli ng ROTC dahil sa kultura anila maliwanag na mayroong mga panggabuso at pananakit ng pisikal.

Sa naging pahayag ng Pangulo sa kaniyang talumpati noong nakaraang linggo sa Camp Gen. Marinao Riego De Dios, umapela ang Pangulo sa Kongreso na magpasa ng batas kaugnay sa muling pagbuhay ng ROTC sa bansa.

Sa isinusulong na batas ni Deputy House Speaker at Batsngas Rep Romeo Abu, hinihiling nito na gawing mandatory ang ROTC sa Grade 11 at 12 sa pampubliko at pribadong paaralan habang si Senador Richard Gordon naman ay humihiling na sumailalim sa ROTC ang mga estudyante sa mga kolehiyo at mga nasa technical vocational courses.

Handa namang maglabas ng Executive Order ang Pangulong Duterte kung hindi makakalusot ang pagbuhay ng ROTC sa bansa. (Eagle News Service Erwin Temperante)