Pagbebenta at pamimigay ng paputok sa mga bata, bawal na sa Quezon City

(Eagle News) — Ipinagbabawal na sa Quezon City ang pagbebenta o pagbibigay ng anumang uri ng paputok sa mga bata.

Ayon kay 3rd District Councilor Allan Benedict Reyes na siyang nag-sponsor sa City Ordinance Number 2587 ,layon ng nasabing ordinansa na gawin child friendly ang Quezon City at bilang pagsuporta na rin sa National Law on Firecrackers.

Ang sinumang makikitang magbebenta o magbibigay ng anumang uri ng paputok sa mga bata sa Quezon City ay posibleng maharap sa isang taong (year) pagkakakulong at pagmumultahin ng limang libong piso (Php 5,000).