P67-M halaga ng smuggled rice mula Vietnam nasabat ng PHL Navy sa Zamboanga Sibugay


(Eagle News) — Animnapu’t pitong (67) milyong pisong halaga ng puslit na bigas mula vietnam ang nasabat ng Naval Forces Western Mindanao sa Olutanga Island, Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni Rear Admiral Rene Medina, Commander ng Naval Forces Western Mindanao, naharang ng Naval Task Force 61 ang isang Mongolian-flagged cargo ship na MV Diamond 8 na nag-diskarga ng mahigit dalawampu’t pitong libong (27,000) sako ng bigas o nasa kabuuang 1,359 metrikong tonelada.

Inakala aniya ng BRP Mariano Alvarez na hinarass ng mga terorista ang Diamond 8 dahil hindi ito tumugon sa panawagan ng navy na huminto.

Nasa pitong libo (7,000) hanggang walong libong (8,000) sako na ng smuggled rice ang diniskarga ng nasabing barko sa dalawang motor vessels na MV Yssa Maine at MV Yousra na kapwa nakatakas naman nang dumating ang navy ship.