P3.3 bilyong halaga ng sigarilyo, sinunog sa Bulacan

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi bababa sa P3.3 bilyon  na halaga ng sigarilyo ng Mighty Corporation na may mga pekeng stamp ang sinunog sa Bulacan.

Ang mga nasabing sigarilyo ay sinunog sa Holcim Cement Processing Plant sa Norzagaray, at sinaksihan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Binigyang diin ng Finance Secretary, na ang Holcim ang napiling partner ng gobyerno sa pagsira ng mga pekeng sigarilyo, dahil ang nasabing kumpanya ang pioneer sa “geocycle” technology.