Otis Bridge muling binuksan sa mga motorista

(Eagle News) — Matapos isailalim sa pagkukumpuni sa loob ng limang buwan, bukas na muli sa mga motorista ang Otis Bridge sa Maynila.

Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapasinaya sa bagong gawang tulay.

Ang tulay ay isinara noong Hunyo matapos makitaan ng mga crack.

Umabot sa P33 million ang ginastos para sa pagsasaayos ng tulay.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakumpuni ito mula nang itayo ang tulay noong 1986.