OSG pinagkokomento ng sc ukol sa hiling na ipatigil ang martial law extension sa Mindanao

(Eagle News) — Pitong araw ang ibinigay ng Supreme Court sa Office of the Solicitor General upang isumite ang kanilang komento sa hiling na temporary restraining order ng Makabayan Bloc sa Korte Suprema noong Enero 4 sa pangungunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman sa martilal law extention sa Mindanao.

Paliwanag ni Supreme Court Spokesperson Midas Marquez, SolGen ang magbibigay ng komento sa petition ng mga kongresistang tutol sa martila law extention sa Mindanao dahil ang mga respondent sa naturang petition ay kinatawan ng kasalukuyang pamahalaan.

SC: Oral arguments sa petisyon itinakda sa Enero 22-23

Kasabay nito itinakda rin ng Korte Suprema ang oral arguments sa naturang petition sa Enero 22 at 23 sa ganap na alas dos ng hapon (2:00 PM).

Bago ito, isasagawa muna sa Enero 17, ang preliminary conference kung saan dito tutukuyin ang mga paguusapan sa oral arguments.

Nitong Disyembre pinaboran ng 17th Congress ang pagpapalawig ng batas militar sa buong Mindanao matapos na paburan ng 235 na mga mambabatas ang pagpapalawig nito.

Titututulan naman ng ilang mambabatas ang batas militar dahil anila sa mga paglabag sa karapatang pantao mula sa pang-aabuso umano ng mga sundalo at pulis sa sakop ng batas militar. (Eagle News Service Erwin Temperante)