Number coding suspendido sa Biyernes, Nobyembre 30

(Eagle News) — Suspendido ang number coding sa Biyernes, Nobyemre 30, 2018, Bonifacio Day.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang number coding sa nasabing petsa na isang regular holiday.

Samantala, sinabi naman ng Makati Traffic na suspendido rin ang pag-iral ng number coding sa lungsod sa araw ng Biyernes.

Awtomatikong suspendido ang number coding sa buong Metro Manila kapag Regular Holiday.

Long weekend ang paparating na weekend dahil ang Bonifacio Day ay natapat ng Biyernes.

Inuulan din ng tanong sa kanilang twitter account ang MMDA mula sa netizens kung hindi ba sususpindihin ang number coding sa Huwebes, bisperas ng holiday, pero wala pang tugon ang MMDA dito.