Number coding, sinuspinde dahil sa transport strike – MMDA

MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme ngayong araw.

Ito ay upang bigyang-daan sa posibleng maging epekto ng isasagawang nationwide transport strike o kilos-protesta ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Sakop ng suspension ang buong Metro Manila, maliban lamang sa Las Piñas City.

Ang naturang transport strike ay kaugnay pa rin sa pagtutol ng mga ito sa planong jeepney modernization program ng gobyerno.

https://youtu.be/rggIxWaeokw