“No meat day,” ipinatupad sa Polanco, Zamboanga del Norte kasabay ng pagsisimula ng Nutrition Month

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Ipinatupad ang no-meat day sa Polanco, Zamboanga del Norte, kasabay ng pormal na pagbubukas ng isang buwang selebrasyon ng Nutrition Month.

Walang halong karne ang niluto lalo na sa mga karenderya sa lugar nang pinangunahan ng Rural Health Unit noong Lunes, July 3, ang pagbubukas ng nasabing selebrasyon.

Ang nasabing nutrition month 2017 ay may temang “Healthy diet gawing habit for life,” na naglalarawan sa tama at balanseng pagkain.

Elmie Ello – Eagle News Correspondent, Zamboanga del Norte

https://youtu.be/Nh0SnYwd8Vo