“No leave and no day-off” policy sa mga airport at security personnel sa long holiday – CAAP

MANILA, Philippines (Eagle News) — Magpapatupad ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng “no leave and no day-off” policy sa mga airport at security personnel.

Ito ay upang matiyak na ligtas at komportable ang operasyon sa apatnapung paliparan sa bansa sa mahabang bakasyon sa susunod na linggo.

Karagdagang security measures din ang ilalatag sa mga paliparan.

Maglalagay rin ng mga help desk para matugunan ang anumang concern ng mga pasahero.

https://youtu.be/osJwN7IZ628