No.1 most wanted drug personality sa Sta. Rosa City, Laguna, arestado sa buy-bust operation

 

STA. ROSA, LAGUNA (Eagle News) — Nadakip sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Sta. Rosa City Drug Enforcement team ang number one most wanted personality sa lungsod.

Ang suspek ay kinilalang si Charlie del Rosario, 43, residente ng Sitio Masiit, Brgy. Labas.

Ayon sa pulisya, nakipagtransaksyon ang suspek kay P02 Archie Anahaw na nagpanggap na buyer.

Matapos ang transsksyon, agad na inaresto si Del Rosario ng mga otoridad na naka kubli sa paligid.

Nakuha sa suspek ang isang heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang Php 1,000  na ginamit na marked money.

Todo-tanggi naman ang suspek sa mga akusasyon ng pulisya.

Naipasuri sa Philippine National Police-Crime Laboratory sa Calamba City ang mga ebidensya at ang suspek na kasalukuyan ng nakakulong sa Sta Rosa City-PNP.

Sasampahan ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act.

(Norberto Delfino)