New York Times, binatikos ng DTI chief

(Eagle News) — Walang batayan at hindi patas ang panawagan ng pahayagang New York Times sa editorial nito na patawan ng trade sanctions ang Pilipinas dahil sa war on drugs ng administrasyon.

Sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, sa halip na magbanta ang international community dapat na tumulong na lang ang mga ito sa Pilipinas na palaguin pa ang export para makagawa pa ng mga trabaho.

Una nang inihayag ng European Union na papatawan ng buwis ang mga produktong iniluluwas ng bansa sa mga miyembro ng bansa nito.

Sa kabila ng bantang pagpataw ng economic sanctions ay tiniyak ng pamahalaan na magpapatuloy pa rin ang giyera ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

https://youtu.be/MgSDICoOvjI