NCAE sa mga paaralaan sa NCR, itinakda mula Marso 9-10

(Eagle News) — Itinakda na ng Department of Education ( DepEd) ang bagong schedule para sa School Year 2016-2017 National Career Assessment Examination ( NCAE) sa mga eskwelahan ng Metro Manila matapos ipagpaliban ng tatlong beses.

Sinabi ni Education secretary Leonor Briones, ang bagong petsa para sa School Year 2016-to-2017 NCAE sa lahat ng division ng NCR ay sa  Marso 9 at 10 ng taong kasalukuyan.

Inanunsyo kamakailan ng DepEd ang pagpapaliban ng NCAE para sa NCR schools, isang araw bago ang orihinal na petsa nitong Marso 1 at 2 dahil sa “logistical limitations.”

https://youtu.be/vyNj-rcHMp8