NBI, walang nakitang depekto sa kumalas na bagon ng MRT

Photo courtesy of Ivan Caballero Villegas

MANILA, Philippines (Eagle News) — Walang nakitang mechanical o electrical defects sa mga coupling device na kumalas sa bagon ng MRT-3.

Ito ay ayon sa National Bureau of Investigation Special Action Unit (NBI-SAU) na nagsagawa ng inisyal na imbestigasyon sa nasabing insidente noong Nobyembre.

Ayon kay NBI Special Action Unit Chief Joel Tovera, ito ay matapos idinaan sa mechanical at electrical examination ang mga bagon sa tulong ng mga eksperto, forensics at mga technician ng MRT.

Binaklas pa mismo ng mga engineer at technician ng MRT ang coupler sa harapan ng mga tauhan ng NBI at mga miyembro ng media para sa mas masinsinang inspeksyon.

Matatandaan na noong Nobyembre 16 ay kumalas ang isang bagon ng MRT-3 sa kalagitnaan ng Buendia at Ayala Avenue stations.

https://www.youtube.com/watch?v=hYNP1tu0cjE