Senador Trillanes, guilty sa kasong indirect contempt

(Eagle News) — Hinatulan ng Court of Appeals(CA) ng guilty sa kasong “indirect contempt” si Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay kaugnay sa alegasyon nito na tumanggap ng suhol ang 2 CA justice mula sa kampo ni dating Makati city mayor Junjun Binay kapalit ng pagpigil sa unang “suspension order” ng Ombudsman  laban sa alkalde.

Sa labing limang pahinang desisyon ng CA Special 11th division, pinagmumulta rin si Trillanes ng 30 thousand pesos dahil sa mapanirang paratang nito.

Batay sa alegasyon ni Trillanes,  tig-25 million pesos ang tinanggap ng dalawang CA justice na bumoto para pigilin ang pagsuspinde noon kay Binay ng Ombudsman.

 

Eagle News Sevice.