PNP, naka-full alert na para sa ikalawang SONA ni Pangulong Duterte mamayang hapon 

(Eagle News) — Naka-full alert ngayon ang national headquarters ng Philippine National Police (PNP) para sa seguridad sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, malaki ang kanilang tungkulin na gagampanan sa mga mangyayaring kilos protesta na isasabay sa SONA.

Dahil dito, anim na libo at tatlong daang pulis (6,300) ang naka-deploy sa loob at labas ng Batasan Complex.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na hindi sila aalis sa kanilang puwesto hanggang matapos ang SONA.

https://youtu.be/d3V3zB_F-ws