Pangunguna ni President Duterte sa online poll ng Time Magazine, ikinatuwa ng Palasyo

(Eagle News) — Ikinasaya ng Malacañang ang pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paunang resulta ng online poll ng Time Magazine para sa pagpili ng Most Influential People in the World ngayong taon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Council Salvador Panelo, patunay lamang ito na maganda ang pagtanggap ng tao sa buong mundo sa magandang pamumuno ni Duterte lalo na sa paglaban sa iligal na droga.

Ayon pa kay Panelo, nangangahulugang positibo ang pagkilala ng mga bumoto kay Pangulong Duterte sa kabila ng ingay hinggil sa umano’y human rights violation.