Pamilya Marcos hindi pabor sa impeachment complaint laban kay VP Robredo

Eagle News — Hindi pabor ang pamilya Marcos na ma-impeach si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay  Ilocos Norte Governor Imee Marcos, mas gugustuhin umano nila lalo na ng kanyang kapatid na si dating Senador Ferdinand  “Bongbong” Marcos Jr.,  na ipursige ang election protest laban kay Robredo kaysa sa impeachment.

Sinabi ni Gov. Marcos, wala ring kinalaman ang kanyang pamilya sa pagsasampa ng naturang impeachment complaint sa pangunguna ni Atty. Oliver Lozano .

Aniya, si Lozano umano ay may sariling hakbang at wala silang kontrol dito.